Eat Bulaga’s AlDub Climax: Tamang Panahon

Recap: Eat Bulaga’s AlDub Climax: Tamang Panahon

Maraming firsts ang nangyari kina Alden at Yaya Dub ngayong dumating na ang Tamang Panahon… First time na mag-holding hands, first dance, at first hug.

Opening pa lang nagpasabog na agad ang KalyeSerye Angels. 

Si Lola Tidora, tumalon pa mula sa tuktok ng sasakyan.

Hindi siyempre nagpahuli si Tinidora.

Live na napanood ang show at no commercial break pa kaya busog na busog ang audience sa iba’t-ibang pakulo ng Dabarkads.

Ang inaabangang si Yaya Dub, grand entrance na sumabit pa sa dyip.

Si Alden naman, dramatic ang entrance papunta kay Yaya Dub…

Nang magkita na ang dalawa, si Lola Nidora hindi na raw malaking hadlang. 

“To say that God gave me you and finally nagkita na rin… I felt you.”

At sa gitna ng kanta… super kilig nagyakap sa unang pagkakataon ang dalawa. 

May dance number pang parang sa isang fairy-tale. 

“Ang dami nang nagbago sa buhay natin… ang dami nang nangyari… pero may mga bagay pa rin na 'di magbabago. Ikaw at ako.”

Bukod siyempre sa iyakan at kilig, hindi mawawala ang tawanan.

(Pabebe girls’ audio track) “… gayahin kami …wala kayong pake…” 

May isa pang dance number together sina Alden at Yaya. 

Tinuwid ni Direk Mike Tuviera na hiwalay na nag-praktis ang dalawa. 

Sa gitna ng kasiyahan, umeksena si Frankie Arinoli.

At nang akala na ng lahat na tapos na ang Eat Bulaga episode… 

“Nasaan si Ate?” “Ayun…”

Nabawi ni Lola Nidora ang diary mula sa mga nagnakaw nito.

At habang naka-freeze ang lahat, sina Dabarkads Joey at Vic, tinutulak si Alden papaplapit kay Yaya. 

Ang hashtag ngayong araw na #AlDubEBTamangPanahon, nabasag na naman ang dating record na six million. Mismong ang opisyal nga ng Twitter, kinongratulate ang Eat Bulaga dahil pinag-uusapan na daw sa buong mundo ang ALDub. 

Umabot sa 14 million pesos ang ticket sales — siyento porsyento ay mapupunta sa pagbili ng mga libro at sa pagpapagawa ng mga AlDub library sa iba’t ibang paaralan sa bansa… pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Lando.

This is a draft. Additional details and revisions will be added soon. Salamat!


Tagalog to English