Wala namang cake sa Pilipinas bago dumating ang mga Kastila at Amerikano, kaya walang katutubong salita ito.
Sa ganito, i-transliterate na lang ang salitang Ingles at gawing Tagalog ang pagbaybay.
Ibig sabihin, ang Tagalog ng cake ay keyk.
May nagsasabi na puwede raw tawaging mamon ang cake.
Puwede rin daw tawaging "cake" ang bibingka, puto at iba pang kakanin na likas sa Pilipinas.
Ang bibingka ay yellow rice cake. Ang puto ay rice muffin or small spongy cupcake.
"Pan de krema" naman ang cake na may icing.